Ang Kahalagahan Ng Pagtatrabaho
![Image result for kahalagahan ng trabaho](https://www.veritas846.ph/wp-content/uploads/2018/04/work.jpg)
Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga taong ginagawang araw ang gabi upang kumita ng pera. May roon ngang maluwag na sa buhay ay patuloy pa rin ang pagsisikap upang lalo pang madagdagan ang perang kinikita
At nang maranasan ko mag OJT, nakita ko ang mga pagsisikap ng mga taong may pangarap. Mga taong nagsisikap kahit nahihirapan na sila, sige padin sila sa pagtatrabaho. Kaya kaming mga estudyante, kelangan naming suklian ang mga paghihirap ng aming mga magulang. Iyon ang mga natutunan kong nang maranasan ko mag OJT.
Blog #1
First Day at work (Narrative)
First Day at work (Narrative)
![](https://scontent.fmnl10-1.fna.fbcdn.net/v/t1.15752-9/32188121_1517762858350776_2784242657352744960_n.jpg?_nc_cat=108&_nc_ht=scontent.fmnl10-1.fna&oh=4741896471f25e8f6fcecaf7068c1793&oe=5C429112)
Unang araw ng aming karanasan sa pagtatrabaho. Kinakabahan ako hindi ko maunawaan ang pakiramdam ko nung araw na iyun. Unang beses ko palang makaranas mag trabaho. Masaya ang pag-gising ko ng umaga dahil mararanasan ko na mag trabaho. Nag madali akong gumayak dahil ayokong malate, baka maiwan ako ng aking mga kagrupo, hindi panaman ako marunong mag byahe mag isa. Pag dating namin sa Candle Light Cafe. Habang nag iintay kami tumatakbo sa isip ko kung kakayanin ko ba ang OJT. Natutunan naming mag-antay sapagkat maaga kami laging dumadating doon. Nakilala namin si Mrs.Marichu. Natutunan ko sa kanyang dapat maging masaya ka sa lahat ng gagawin mo.
Dahil unang araw pa lamang namin, hindi namin alam ang aming gagawin. Pinag isip kami ni Mrs. Marichu kung anong pwedeng gawin sa mga boteng hindi na nagagamit. Naisipan kong gawin yong lalagyan ng mga panulat. at noong pinagawa na saamin iyon, natutunan ko ang mga bagay na akala mo ay hindi na mapapakinabangan ay pwede pa pala mapakinabangan. Hindi ko inaasahang paglilinisin kami doon. At natutunan ko sa pag lilinis na ito na kaylangang maging maaliwalas sa paningin mo at sa paningin ng iba ang mga nasa paligid nila.
Blog#2
Most Important Attitude in the workplace
Most Important Attitude in the workplace
Pagkukusa sa iyong trabaho, ito ang natutunan namin kay Mrs.Marichu. Sa lahat ng trabaho kaylangan may pagkukusa ka. Sinabi samin ni Mrs.Marichu na gawin naming parang aming karuan ang Candle Light Cafe at kung may makikita kaming mga bagay na kailangang ayusin, huwag na kaming mag intay na iutas niya pa. Sa halip ay gawin na namin ng may pagkukusa. Para sakin, ang pagkukusa ay pagiging kontento o komportable ka sa mga kasama mo maging sa trabaho man o sa paaralan. Dahil kapag komportable kana sa mga kasamahan mo ay magagawa mo ang trabaho ng walang nag-uutos at hindi ka maiilang gawin ito dahil komportable kana sa mga taong nasa paligid mo. Kagaya nga ng sinabi samin ni Mrs.Marichu, nag kusa na kaming gawin ang aming mga nakasanayang gawain. Tulad nalang ng pagwawalis. Sa tuwing dumadating kami sa umaga nakikita naming may mga kalat na dahon kaya hindi na kami nag iintay pa na utusan kami sa halip ay nag-kukusa na kaming mag-walis. Dahil naging komportable na kami sa mga ginagawa at mga kasama namin. Yung pagkukusa ang pinaka tumatak sakin na sinabi ni Mrs.Marichu. Mag kusa kami sa Candle Light na isipin naming parang nasa sariling bahy lang kami. At dahil dun nag kukusa na ko at hindi na nag iintay ng utos.
Blog#3
Featured Workplace
![Image result for candlelight cafe lipa](https://i2.wp.com/thehappywahm.com/wp-content/uploads/2017/07/candlelight-cafe.jpg?resize=960%2C640)
Featured Workplace
![Image result for candlelight cafe lipa](https://i2.wp.com/thehappywahm.com/wp-content/uploads/2017/07/candlelight-cafe.jpg?resize=960%2C640)
Malamig na simoy ng hangin. Tahimik na paligid unang sumalubong sa amin. Candle Light Cafe ang pangalan. Isang lugar kung saan marami kaming natutunan. Kung saan may nakilala kaming mga taong magiging parte ng aming buhay , madami kaming natutunan sa kanila. Mga aral na dadalhin namin hanggang sa kamiy tumanda. Mga tawanan at kulitan namin sa Candle Light ay hindi ko malilimutan. Dito sa lugar na ito natutunan kong mag Plaster Molding. Dito ko natutunan kung pano pakinabangan ang mga bagay na akala natiy hindi na mapapakinabangan. At kahit na minsa'y napapagod kami, masaya parin kaming umuuwi saaming mga tahanan. Tahimik na paligid aking nagustuhan, maging ang sariwang simoy ng hangin. Lugar na hindi malilimutan at dagdag pa rito ang karanasan sa Candle Light Cafe. Mga batang musmus na hinuhubog sa pag guhit, aming inobserbahan. Mga matay na namangha ng makakita ng mga obrang sadyang kahanga-hanga. Iba't ibang hugis, kulay, desensyo kandilang nagbibigay liwanag natanaw ng aking mga mata sa Candle Light Cafe. Candle Light Cafe isang lugar kung saan naganap ang aking unang karanasan sa pag-tatrabaho.
Blog #4
The value of Hardwork
The value of Hardwork
Mahalagang magkaroon ang bawat indibidwal ng pagkakakitahan. Mahalagang may maibigay ka sa iyong mahal sa buhay tatlong beses sa isang araw. At kung wala kang pagkikitaan, paano mo ito magagawa? Mahalagang mag karoon ka ng trabaho.. At kapag nag karoon ka nito, huwag mong hayaang mawala. Hindi lingid sa ating kaalaman ang hirap ng pamumuhay dito sa ating bansa. Kaya't pag meron kanang trabaho, kaylangan mo na itong pagsikapan. Kaylangan mong magsikap upang maiahon mo ang iyong pamilya sa kahirapan.
Ang pagsisikap ng bawal indibidual ay kailangan nating pahalagahan sa maliit o sa malaki man ito. Ang pagsisikap ng ating mga magulang upang tayo ay mapagtapos sa pag-aaral ay isang malaking karangalan para sakin. Sapagkat paano na lamang ako makakapag tapos kung hindi sila nagsikap sa pagtatrabaho nila? Kaya't pinag sikapan ko ding tapusin ang aking OJT. Pinag sikapan ko itong tapusin sapagkat ito ang magiging tulay upang ako ay makapagtapos ng pag-aaral. At upang masuklian ko ang mga paghihirap ng aking mga magulang, kapatid at sa lahat ng mga taong tumulong upang ako ay makapagtapos ng pag-aaral. Nagsikap silang pag aralin ako. Kung kaya't magsisikap din ako upang masuklian ang kanilang mga paghihirap at kung wala tayong pagsisikap, hindi tayo makakapagtapos at hindi natin matutupad ang ating mga pangarap sa buhay.
Blog #5
Most difficult at work
Para sakin ang pinaka mahirap sa pag tatrabaho o pagiging
isang OJT ay ang labanan ang pag gising sa umaga araw araw.Mahirap labanan ang
pang araw araw na katamaran,mahirap gawin ang mga bagay na kaylangan mong gawin
kung ang katawan mo ay wala pa sa kondisyon mag trabaho.Sa pag oOJT ko sa CDIC
natutunan kong labanan lahat ng katamaran ko sa katawan.Dahil natututo akong
mag balance ng oras ko para sa mga bagay na kaylangan kong gawin gawin at upang
hindi na rin ako matambakan ng mga gawain sa susunod pang mga araw.
Nang
mag OJT ako o kami ng aking mga kagrupo sa CDIC dito ako nakakita ng mga taong
hindi marunong mag pahinga kahit sabado sige pa rin sila at pumapasok.Kahit
pagod na sige pa din sa pag tatrabaho.Itong mga taong ito ang hinahangaan ko
,sapagkat sa kabila ng mga pagod nila ay nagagawa pa din nilang turuan ang mga
batang natatangi.Marahil ay ang mga ngiti ng mga batang ito ang nakakapag
palakas ng loob ng mga nagtatrabaho dito.Mga ngiti ng mga batang kalian man ay
hindi matatawaran.Mga ngiting dapat ay hindi ipinag kakait sa mga batang ito.At
nararapat lamang na bigyan ng parangal ang mga ganitong tao
Blog#6
Featured workplace
Isang
gusaling makulay CDIC kung tawagin naririto ang mga batang natatangi.Mga batang
may busilak na ngiti,mga batang musmos
na sadayang nakakaaliw,mga batang wala pang kamuwang muwang sa mundo.At
dito sa gusaling ito ako natutong makipag salamuha sa mga batang natatangi.Mga
batang may natatanging ngiti sa labi sadyang nakakaenganyong mag turo sa mga
batang ito.Ngunit may kurot sa aking puso ng makita ko ang kalagayan ng ilan sa
kanila hindi lingid sa ating kaalaman na may ibang bata na hindi naiintindihan
ang sitwasyon nila kaya kinukutya nila ang mga ito.Ngunit nais ipabatid ng mga
guro sa CDIC na lahat ng bata ay pantay patay.Lahat ng bata ay may karapatang
ngumiti,humalakhak,malungkot at umiyak.Huwag nating ipagkait sa mga batang
itong masilayan ang kagandahan ng mundo.Huwag natin silang hayaang matakot
sumubok ng iba pang mga bagay.huwag nating hayaang isipin o huwag nating
ipadama sa mga batang ito na iba sila.Kayat CDIC ang nagmumulat sa mga batang
ito sa totoong mundo.CDIC ang nagmumulat sa mga batang ito ng kagandahan ng
mundo.
CDIC
ang nagsilbing nilang pangalawa ring tahanan.Ang mga guro rito ang nagsisilbi
nilang pangalawang magulang.Dito rin sa CDIC ako nakakilala ng ibat ibang mga
tao,dito ko rin nakita at nakasalamuha.Humahanga ako sa CDIC sapagkat nagagawa
nilang pangkaraniwang bata ang mga batang natatangi.
Blog#7
If
I were a Boss
Kung
ako ang magiging Boss wala akong babaguhin sa pamamalakad sa CDIC.Ngunit may
mga ibang pamamalakad na hindi ko nagustuhan ito ay ang kahigpitan sa oras ng
mga mang gagawa.Ngunit naiintindihan ko naman kung bakit nila hinihigpitan sa
oras ang mga nagtatrabaho rito ninanais lamang ng mga namamalakad rito na hindi
masayang ang oras ng mga empleyado sa walang katuturan.Ngunit sa isang lingo naming
pananatili rito ay nadama naming ang kahigpitan ng oras,hindi kami maaring
lumabas hanggat hindi nag sasaktong 12:00 ng tanghali.At maari namang kaming
pumasok ng kahit hindi pa nagsasaktong 1:00 ng hapon at gayun din naman sa pag
labas naming ng hapon hindi kami maaring lumabas ng hindi saktong 5:00.Batid ko
naman ang dahilan kung bakit ito ginagawa ng tagapag patupad bg batas dito sa
CDIC.at ito ay magsisilbing aral na din satin o saakin upang matutong maghintay
at mag balance ng oras.
Marahil
ay gusto lamang ng mga ng nagpatupad ng batas na ito na mabalance ang oras ng
mga empleyado at gayun din ay para maging patas na rin sa ibang empleyado
rito.Yun lamang ang ninanais kong baguhin sa pamamalakad ng CDIC kung ako ang
magiging Boss rito.
Blog#8
Featured
Employee
Ang
hinahangaan kong empleyado sa CDIC ay may katangiang maunawain,matulungin
,mabait at higit sa lahat ay may aruga sa mga bata.At ito ay nakita ko sa isa
sa mga OT rito.Hinangaan ko sya sapagkat nakita ko sa kanya ang pag aaruga nya
sa lahat ng batang tinuturuan nya.Nakita ko sa kanya ang pag aaruga ng isang
tunay na ina.At nakita ko rin sa kanya ang pagmamahal nya sa trabaho nya,maging
ang pag mamahal sa mga bata ay nakita ko sa kanya.Hanggang sa magtapos kami ng
pag OJT sa CDIC ay sya pa rin ang nagging inspirasyon ko sa bawat araw na pag
pasok ko rito sa CDIC.Ninanais kong sundan ang yapak nya bilang isang pagiging
OT.At tularan sya bilang isang pagiging mabuting huwaran na kahit sino ay mapapahanga.Hindi
ko inaasahan na makakatagpo ako o marahil kami ng ganitong tao.
Sana
ay madaming tao pa ang may busilak na puso gaya nya at may pag mamahal at pag
aaruga sa mga batang may pangangailangan.Hindi naman lingid sa ating kaalaman
na may mga batang may espesyal na pangangailangan.At itong taong ito hindi nya
tiningnan ang mga batang espesyal sa ibang paraan kundi ay tiningnan nya ang
bawat bata ng pantay pantay.
Blog#9
Important
lesson I learned
Ang
mahalagang bagay na natutunan ko sa isang linggong pag pasok o pag OJT ko sa
CDIC ay ang pag tingin sa bawat bata ng pantay pantay.Dahil kahit na may mga
batang espesyal o mga batang natatangi ay hindi natin sila dapat na tingnan ng
hindi pantay.Spagkat lahat ng indibidwal sa mundong ito ay binuo ng dyos ng
pantay pantay,mahirap man o mayaman may kapansanan o wala.Kayat nararapat
nating ituring ang mga batang espesyal o mga batang natatangi ng normal nating
pagtrato gaya na lamang ng pagtrato natin sa mga batang normal.At lahat naman
ng bata ay espesyal,lahat ng bata ay may kanikaniyang talento.
Hindi natin dapat
ipagkait sa mga bata ang lumaya at makadiskobre ng ibat ibang mga bagay.At
tandaan din natin na ang kabataan ang pag asa ng bayan.Lahat ng bata ay
nilikhang pantay pantay.Hindi ko lubos mabatid kung bat ba mayroong mga taong
hindi matangap ang mga batang espesyal o mga batang natatangi.Batid ko ang mga
hirap na nararamdaman nila sa tuwing sila ay kinukutya.At batid ko rin ang
sakit at kurot sa puso ng isang ina pa gang kanyang anak ay nakikitang nahihirapan,ninanais
ng isang ina sa kanya na lamang mapapunta ang lahat ng hirap ng kanyang
anak.Kayat dapat pantay pantay ang pagtingin natin sa lahat ng bataBlog#10
My
Hope and My Future
Hindi
ako nagsasawang mangarap at abutin ang mga pangarap ko tulad na lamang ng mga
bata sa CDIC.Hindi sila nagsasawang mangarap at magtiwala.At gayun din ako
hindi ako magsasawang mag aral upang makamit ko ang pangarap ko sa buhay upang
maiahon ko ang aking mga magulang sa kahirapan.Takot akong hindi makaalis sa
kahirapan.Marahil ang batang natatangi ay mayroon din mga pangarap.Mga pangarap
na huwag nating ipagkait sa mga batang ito bagos tayo pa ang maging huwaran sa
pag kamit kanilang mga pangarap sa buhay.Tulad ko rin na isang bata o isang
dalaga ninanais kong makamit ang rurok ng tagumpay.
Lahat
tayo ay may pangarap lahat tayo ay gustong makamit an gating pangarap.Kung
kayat huwag tayong mawalan ng pag asang abutin ang mga pangarap na ito.Huwag
nating hayaang ang pangarap ay maging isang pangarap na lamang.Spagkat itong
mga pangarap na ito an gang bubuo sa ating kinabukasan.Huwag tayong mawalan ng
pag asa,pag asang mangarap at pag asang kamtin ang mga pangarap.Kagaya ko
pangarap kong maging isang guro hindi ako mawawalan ng pag asa upang maging
isang guro.Ang pag aaral ang magiging susi ko sa pagkamit ng aking mga pangarap
at mga gustong marating sa buhay.