Sunday, October 21, 2018




Ang Kahalagahan Ng Pagtatrabaho 





Image result for kahalagahan ng trabaho



Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga taong ginagawang araw ang gabi upang kumita ng pera. May roon ngang maluwag na sa buhay ay patuloy pa rin ang pagsisikap upang lalo pang madagdagan ang perang kinikita 

At nang maranasan ko mag OJT, nakita ko ang mga pagsisikap ng mga taong may pangarap. Mga taong nagsisikap kahit nahihirapan na sila, sige padin sila sa pagtatrabaho. Kaya kaming mga estudyante, kelangan naming suklian ang mga paghihirap ng aming mga magulang. Iyon ang mga natutunan kong nang maranasan ko mag OJT.

                                              Blog #1
                              First Day at work (Narrative)







Unang araw ng aming karanasan sa pagtatrabaho. Kinakabahan ako hindi ko maunawaan ang pakiramdam ko nung araw na iyun. Unang beses ko palang makaranas mag trabaho. Masaya ang pag-gising ko ng umaga dahil mararanasan ko na mag trabaho. Nag madali akong gumayak dahil ayokong malate, baka maiwan ako ng aking mga kagrupo, hindi panaman ako marunong mag byahe mag isa. Pag dating namin sa Candle Light Cafe. Habang nag iintay kami tumatakbo sa isip ko kung kakayanin ko ba ang OJT. Natutunan naming mag-antay sapagkat maaga kami laging dumadating doon. Nakilala namin si Mrs.Marichu. Natutunan ko sa kanyang dapat maging masaya ka sa lahat ng gagawin mo.
Dahil unang araw pa lamang namin, hindi namin alam ang aming gagawin. Pinag isip kami ni Mrs. Marichu kung anong pwedeng gawin sa mga boteng hindi na nagagamit. Naisipan kong gawin yong lalagyan ng mga panulat. at noong pinagawa na saamin iyon, natutunan ko ang mga bagay na akala mo ay hindi na mapapakinabangan ay pwede pa pala mapakinabangan. Hindi ko inaasahang paglilinisin kami doon. At natutunan ko sa pag lilinis na ito na kaylangang maging maaliwalas sa paningin mo at sa paningin ng iba ang mga nasa paligid nila.



                                         Blog#2
                   Most Important Attitude in the workplace


Pagkukusa sa iyong trabaho, ito ang natutunan namin kay Mrs.Marichu. Sa lahat ng trabaho kaylangan may pagkukusa ka. Sinabi samin ni Mrs.Marichu na gawin naming parang aming karuan ang Candle Light Cafe at kung may makikita kaming mga bagay na kailangang ayusin, huwag na kaming mag intay na iutas niya pa. Sa halip ay gawin na namin ng may pagkukusa. Para sakin, ang pagkukusa ay pagiging kontento o komportable ka sa mga kasama mo maging sa trabaho man o sa paaralan. Dahil kapag komportable kana sa mga kasamahan mo ay magagawa mo ang trabaho ng walang nag-uutos at hindi ka maiilang gawin ito dahil komportable kana sa mga taong nasa paligid mo. Kagaya nga ng sinabi samin ni Mrs.Marichu, nag kusa na kaming gawin ang aming mga nakasanayang gawain. Tulad nalang ng pagwawalis. Sa tuwing dumadating kami sa umaga nakikita naming may mga kalat na dahon kaya hindi na kami nag iintay pa na utusan kami sa halip ay nag-kukusa na kaming mag-walis. Dahil naging komportable na kami sa mga ginagawa at mga kasama namin. Yung pagkukusa ang pinaka tumatak sakin na sinabi ni Mrs.Marichu. Mag kusa kami sa Candle Light na isipin naming parang nasa sariling bahy lang kami. At dahil dun nag kukusa na ko at hindi na nag iintay ng utos.


                                            Blog#3 
                                     Featured Workplace

Image result for candlelight cafe lipa


Malamig na simoy ng hangin. Tahimik na paligid unang sumalubong sa amin. Candle Light Cafe ang pangalan. Isang lugar kung saan marami kaming natutunan. Kung saan may nakilala kaming mga taong magiging parte ng aming buhay , madami kaming natutunan sa kanila. Mga aral na dadalhin namin hanggang sa kamiy tumanda. Mga tawanan at kulitan namin sa Candle Light ay hindi ko malilimutan. Dito sa lugar na ito natutunan kong mag Plaster Molding. Dito ko natutunan kung pano pakinabangan ang mga bagay na akala natiy hindi na mapapakinabangan. At kahit na minsa'y napapagod kami, masaya parin kaming umuuwi saaming mga tahanan. Tahimik na paligid aking nagustuhan, maging ang sariwang simoy ng hangin. Lugar na hindi malilimutan at dagdag pa rito ang karanasan sa Candle Light Cafe. Mga batang musmus na hinuhubog sa pag guhit, aming inobserbahan. Mga matay na namangha ng makakita ng mga obrang sadyang kahanga-hanga. Iba't ibang hugis, kulay, desensyo kandilang nagbibigay liwanag natanaw ng aking mga mata sa Candle Light Cafe. Candle Light Cafe isang lugar kung saan naganap ang aking unang karanasan sa pag-tatrabaho.


                                      Blog #4
                          The value of  Hardwork


Mahalagang magkaroon ang bawat indibidwal ng pagkakakitahan. Mahalagang may maibigay ka sa iyong mahal sa buhay tatlong beses sa isang araw. At kung wala kang pagkikitaan, paano mo ito magagawa? Mahalagang mag karoon ka ng trabaho.. At kapag nag karoon ka nito, huwag mong hayaang mawala. Hindi lingid sa ating kaalaman ang hirap ng pamumuhay dito sa ating bansa. Kaya't pag meron kanang trabaho, kaylangan mo na itong pagsikapan. Kaylangan mong magsikap upang maiahon mo ang iyong pamilya sa kahirapan.

Ang pagsisikap ng bawal indibidual ay kailangan nating pahalagahan sa maliit o sa malaki man ito. Ang pagsisikap ng ating mga magulang upang tayo ay mapagtapos sa pag-aaral ay isang malaking karangalan para sakin. Sapagkat paano na lamang ako makakapag tapos kung hindi sila nagsikap sa pagtatrabaho nila? Kaya't pinag sikapan ko ding tapusin ang aking OJT. Pinag sikapan ko itong tapusin sapagkat ito ang magiging tulay upang ako ay makapagtapos ng pag-aaral. At upang masuklian ko ang mga paghihirap ng aking mga magulang, kapatid at sa lahat ng mga taong tumulong upang ako ay makapagtapos ng pag-aaral. Nagsikap silang pag aralin ako. Kung kaya't  magsisikap din ako upang masuklian ang kanilang mga paghihirap  at kung wala tayong pagsisikap, hindi tayo makakapagtapos at hindi natin matutupad ang ating mga pangarap sa buhay.





Blog #5
Most difficult at work

Para sakin ang pinaka mahirap sa pag tatrabaho o pagiging isang OJT ay ang labanan ang pag gising sa umaga araw araw.Mahirap labanan ang pang araw araw na katamaran,mahirap gawin ang mga bagay na kaylangan mong gawin kung ang katawan mo ay wala pa sa kondisyon mag trabaho.Sa pag oOJT ko sa CDIC natutunan kong labanan lahat ng katamaran ko sa katawan.Dahil natututo akong mag balance ng oras ko para sa mga bagay na kaylangan kong gawin gawin at upang hindi na rin ako matambakan ng mga gawain sa susunod pang mga araw.


Nang mag OJT ako o kami ng aking mga kagrupo sa CDIC dito ako nakakita ng mga taong hindi marunong mag pahinga kahit sabado sige pa rin sila at pumapasok.Kahit pagod na sige pa din sa pag tatrabaho.Itong mga taong ito ang hinahangaan ko ,sapagkat sa kabila ng mga pagod nila ay nagagawa pa din nilang turuan ang mga batang natatangi.Marahil ay ang mga ngiti ng mga batang ito ang nakakapag palakas ng loob ng mga nagtatrabaho dito.Mga ngiti ng mga batang kalian man ay hindi matatawaran.Mga ngiting dapat ay hindi ipinag kakait sa mga batang ito.At nararapat lamang na bigyan ng parangal ang mga ganitong tao

Blog#6
Featured workplace



Isang gusaling makulay CDIC kung tawagin naririto ang mga batang natatangi.Mga batang may busilak na ngiti,mga batang musmos  na sadayang nakakaaliw,mga batang wala pang kamuwang muwang sa mundo.At dito sa gusaling ito ako natutong makipag salamuha sa mga batang natatangi.Mga batang may natatanging ngiti sa labi sadyang nakakaenganyong mag turo sa mga batang ito.Ngunit may kurot sa aking puso ng makita ko ang kalagayan ng ilan sa kanila hindi lingid sa ating kaalaman na may ibang bata na hindi naiintindihan ang sitwasyon nila kaya kinukutya nila ang mga ito.Ngunit nais ipabatid ng mga guro sa CDIC na lahat ng bata ay pantay patay.Lahat ng bata ay may karapatang ngumiti,humalakhak,malungkot at umiyak.Huwag nating ipagkait sa mga batang itong masilayan ang kagandahan ng mundo.Huwag natin silang hayaang matakot sumubok ng iba pang mga bagay.huwag nating hayaang isipin o huwag nating ipadama sa mga batang ito na iba sila.Kayat CDIC ang nagmumulat sa mga batang ito sa totoong mundo.CDIC ang nagmumulat sa mga batang ito ng kagandahan ng mundo.

CDIC ang nagsilbing nilang pangalawa ring tahanan.Ang mga guro rito ang nagsisilbi nilang pangalawang magulang.Dito rin sa CDIC ako nakakilala ng ibat ibang mga tao,dito ko rin nakita at nakasalamuha.Humahanga ako sa CDIC sapagkat nagagawa nilang pangkaraniwang bata ang mga batang natatangi.






Blog#7
If I were a Boss

Kung ako ang magiging Boss wala akong babaguhin sa pamamalakad sa CDIC.Ngunit may mga ibang pamamalakad na hindi ko nagustuhan ito ay ang kahigpitan sa oras ng mga mang gagawa.Ngunit naiintindihan ko naman kung bakit nila hinihigpitan sa oras ang mga nagtatrabaho rito ninanais lamang ng mga namamalakad rito na hindi masayang ang oras ng mga empleyado sa walang katuturan.Ngunit sa isang lingo naming pananatili rito ay nadama naming ang kahigpitan ng oras,hindi kami maaring lumabas hanggat hindi nag sasaktong 12:00 ng tanghali.At maari namang kaming pumasok ng kahit hindi pa nagsasaktong 1:00 ng hapon at gayun din naman sa pag labas naming ng hapon hindi kami maaring lumabas ng hindi saktong 5:00.Batid ko naman ang dahilan kung bakit ito ginagawa ng tagapag patupad bg batas dito sa CDIC.at ito ay magsisilbing aral na din satin o saakin upang matutong maghintay at mag balance ng oras.

Marahil ay gusto lamang ng mga ng nagpatupad ng batas na ito na mabalance ang oras ng mga empleyado at gayun din ay para maging patas na rin sa ibang empleyado rito.Yun lamang ang ninanais kong baguhin sa pamamalakad ng CDIC kung ako ang magiging Boss rito.



Blog#8
Featured Employee

Ang hinahangaan kong empleyado sa CDIC ay may katangiang maunawain,matulungin ,mabait at higit sa lahat ay may aruga sa mga bata.At ito ay nakita ko sa isa sa mga OT rito.Hinangaan ko sya sapagkat nakita ko sa kanya ang pag aaruga nya sa lahat ng batang tinuturuan nya.Nakita ko sa kanya ang pag aaruga ng isang tunay na ina.At nakita ko rin sa kanya ang pagmamahal nya sa trabaho nya,maging ang pag mamahal sa mga bata ay nakita ko sa kanya.Hanggang sa magtapos kami ng pag OJT sa CDIC ay sya pa rin ang nagging inspirasyon ko sa bawat araw na pag pasok ko rito sa CDIC.Ninanais kong sundan ang yapak nya bilang isang pagiging OT.At tularan sya bilang isang pagiging mabuting huwaran na kahit sino ay mapapahanga.Hindi ko inaasahan na makakatagpo ako o marahil kami ng ganitong tao.
Sana ay madaming tao pa ang may busilak na puso gaya nya at may pag mamahal at pag aaruga sa mga batang may pangangailangan.Hindi naman lingid sa ating kaalaman na may mga batang may espesyal na pangangailangan.At itong taong ito hindi nya tiningnan ang mga batang espesyal sa ibang paraan kundi ay tiningnan nya ang bawat bata ng pantay pantay.




Blog#9
Important lesson I learned

Ang mahalagang bagay na natutunan ko sa isang linggong pag pasok o pag OJT ko sa CDIC ay ang pag tingin sa bawat bata ng pantay pantay.Dahil kahit na may mga batang espesyal o mga batang natatangi ay hindi natin sila dapat na tingnan ng hindi pantay.Spagkat lahat ng indibidwal sa mundong ito ay binuo ng dyos ng pantay pantay,mahirap man o mayaman may kapansanan o wala.Kayat nararapat nating ituring ang mga batang espesyal o mga batang natatangi ng normal nating pagtrato gaya na lamang ng pagtrato natin sa mga batang normal.At lahat naman ng bata ay espesyal,lahat ng bata ay may kanikaniyang talento.
Hindi natin dapat ipagkait sa mga bata ang lumaya at makadiskobre ng ibat ibang mga bagay.At tandaan din natin na ang kabataan ang pag asa ng bayan.Lahat ng bata ay nilikhang pantay pantay.Hindi ko lubos mabatid kung bat ba mayroong mga taong hindi matangap ang mga batang espesyal o mga batang natatangi.Batid ko ang mga hirap na nararamdaman nila sa tuwing sila ay kinukutya.At batid ko rin ang sakit at kurot sa puso ng isang ina pa gang kanyang anak ay nakikitang nahihirapan,ninanais ng isang ina sa kanya na lamang mapapunta ang lahat ng hirap ng kanyang anak.Kayat dapat pantay pantay ang pagtingin natin sa lahat ng bata




Blog#10
My Hope and My Future

Hindi ako nagsasawang mangarap at abutin ang mga pangarap ko tulad na lamang ng mga bata sa CDIC.Hindi sila nagsasawang mangarap at magtiwala.At gayun din ako hindi ako magsasawang mag aral upang makamit ko ang pangarap ko sa buhay upang maiahon ko ang aking mga magulang sa kahirapan.Takot akong hindi makaalis sa kahirapan.Marahil ang batang natatangi ay mayroon din mga pangarap.Mga pangarap na huwag nating ipagkait sa mga batang ito bagos tayo pa ang maging huwaran sa pag kamit kanilang mga pangarap sa buhay.Tulad ko rin na isang bata o isang dalaga ninanais kong makamit ang rurok ng tagumpay.
Lahat tayo ay may pangarap lahat tayo ay gustong makamit an gating pangarap.Kung kayat huwag tayong mawalan ng pag asang abutin ang mga pangarap na ito.Huwag nating hayaang ang pangarap ay maging isang pangarap na lamang.Spagkat itong mga pangarap na ito an gang bubuo sa ating kinabukasan.Huwag tayong mawalan ng pag asa,pag asang mangarap at pag asang kamtin ang mga pangarap.Kagaya ko pangarap kong maging isang guro hindi ako mawawalan ng pag asa upang maging isang guro.Ang pag aaral ang magiging susi ko sa pagkamit ng aking mga pangarap at mga gustong marating sa buhay.

















No comments:

Post a Comment